Friday, May 25, 2012

20 things I want to say to certain people:


Galing kay nubain na galing kay mightyjoncabron na galing kay salbehe. List 20 things you want to say to certain people but you know you never will. Don’t say who they are.
  1. Kung tutuusin eh nakakaawa ka ngayon bilang walang gustong isama ka sa mga lakad. Pero kasi naman, pakiayos ng ugali. Pangit sa lalaki ang sobrang ingay, samahan mo pa ng sobrang kayabangan.
  2. Ang tagal yata nating hinintay ‘tong pagkakataon na ‘to. Pero tangna, totoo palang nakakabaliw magmahal. Pero kaya natin ‘to ‘teh.
  3. Maraming bagay na “hindi” sa’yo. Hindi nakakatuwa ‘yang katabilan ng dila mo. Hindi tama sa hulog ‘yang kayabangan mo. At higit sa lahat, hindi kita gugustuhing maging ka-close.
  4. May punto na inakala kong ikaw na nga ‘yong taong hinihintay ko dahil lahat ng trip ko eh nasakyan mo tapos ang tikas pa ng dating mo. Sayang. Gago ka eh.
  5. Naniniwala ako na no’ng mga nakaraang buhay natin eh magkakapatid tayo.
  6. Maganda ang puso mo. Ang malas no’ng mga taong hindi nakikita ‘yon.
  7. ‘Yong blog mo ay isa sa mga binabasa ko sa tuwing gusto kong mainis. Very very effective.com
  8. Kaya mong basta na lang talikuran ‘yong kaisa-isang tao na magmamahal sa’yo nang walang kapalit. Naiinggit at naaawa ako sa’yo.
  9. Kuya, labas ka na kasi d’yan sa closet. Mainit at masikip d’yan. Sige ka, tutunas ang make-up mo.
  10. Nakaka-turn on ho ang pagiging misteryoso mo.
  11. Dre, ang tipo mo palang babae eh ‘yong mga papansin.
  12. ‘Yong pagmamahal na hinahanap mo ay ‘di mo mahahanap sa kanya. Alam mo ‘yan.
  13. Hindi naman talaga ikaw ‘yong tipo kong lalaki at hindi rin naman talaga ako ‘yong tipo mong babae. Nakakalulang parang rollercoaster ang pag-aaway at pagbabati natin. Pero alam mo, kahit na gano’n, ikaw lang ‘yong nakikita at gugustuhin kong makakasama nang matagalan.
  14. MYX VJ? ‘Wag mong lokohin ang sarili mo.
  15. Hindi pa rin talaga kita napapatawad dahil sa pagbabalak mong pormahan ‘tong kapatid ko. Masama na kung masama, pero hindi ikaw ang titipuhin kong makadagit sa kapatid ko ‘no!
  16. Sayang ang talino at talento mo. Para kasing walang nangyayari sa buhay mo.
  17. Nakaka-inggit ka dahil parang nasa sa’yo na ang lahat.
  18. Kapag bente-otso na tayo at wala pa rin tayong katipan o kaya asawa, tayo na lang — p’wedeng mambabae, kahit sa loob pa ng bahay natin, pramis.
  19. Nako manong, magbago ka na. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh pinapalampas ang pagiging damuho mo. Maniwala ka sa karma.
  20. Habambuhay kong panghihinayangan ‘yong mga oras na sana eh mas nakilala at nakausap kita.



Now playing: Ingrid Michaelson - Everybody

2 comments:

  1. Kilala ko ba yung 4 at 9? At ako ba yung 12? Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, isa lang ang tama. Kilala mo 'yong 4. ;)

      Delete