Monday, October 1, 2012

[Untitled]

Kung papayagan mo lang silang makapasok sa buhay mo, malalaman mong hindi naman talaga malungkot ang mundo. Kung magbibigay ka lang ng kahit kaunting puwang, malalaman mong may gustong pumuno sa kung anumang kakulangang hinahanap mo. Kung bubuksan mo lang ang mga mata mo -- tunay na bubuksan at hindi basta imumulat lang -- makikita mong may marunong pa ring magmalasakit at magbigay nang walang hinihinging kapalit. Maniwala ka sa kabutihan ng tao. Maniwala ka na may nakakarinig ng panalangin mo. Maniwala ka na ang bawat hininga mo ay hindi lamang basta hanging gamit na at walang saysay. Maniwala ka na may magbabago, lalo na kung gugustuhin at aaksyunan mo. Maniwala ka sa sarili mo.

No comments:

Post a Comment